- Mag-log-in sa http://www.google.com/a/yourdomain.com
2. I-klik ang “verify domain ownership” na mahahanap sa taas ng pahina.
3. Pumili ng paraan ng pag-verify. Piliin ang “Change your CNAME record”
4. Mag log-in sa iyong domain hosting service (i.e. GoDaddy.com)
5. Pumunta sa Domains tab at piliin ang All My Domains. I-klik ang domain na iyong rinehistro sa Google Apps. Sa Domain Manager, i-klik ang “Total DNS Control and MX Records”. Mapupunta ka sa DNS Control Panel.
6. Gumawa ng bagong CNAME record sa pamamagitan ng pag-klik sa “Add new CNAME record”.
7. Kopyahin ang unique string mula sa Google Apps dashboard para sa Alias Name.
At i-kopya sa Alias Name box. Punuan ng “Points to Host Name” sa “google.com”. I-klik ang "Ok".
8. Isang “Results and Status” dialogue box ang lalabas. I-klik ang “Ok”,
9. Buksan ang command prompt. I-type “nslookup googleffffffff0eg01ff0.yourdomain.com”. Pindutin ang “enter”.
10. Kapag nakita ang “google.com” sa sagot, bumalik sa Google Apps dashboard.
11. I-klik ang “verify”. Maaring umabot ng 24 oras ang verification.
Sunod na Hakbang: I-activate ang Email.












