Para sa karagdagang kaalaman para sa Google sites pumunta dito

1. Mag-log-in sa inyong Google Sites account gamit ang iyong @iyongdomain.com na account. Maari ninyo rin gawin ito sa pagpunta sa http://sites.google.com/a/iyongdomain.com. Siguraduhin na activated ang serbisyo ng inyong admin.

2. Para gumawa ng bagong site, i-klik ang "Create a New Site". 


3. Ilagay ang pangalang ng inyong site, mga kategorya at maari ka rin gumawa ng maikling paglalarawan. Dito niyo rin maari ilagay kung pribado o pampubliko ang site.


4. Pumili ng tema para sa iyong site at i-klik and "Create Site".


5. Ang unang pahina ng inyong site ay ang "Home" page. Upang lumikha ng sub-pages ng inyong site, i-klik lamang ang "Create New Page", ang mga sub-pages ay agarang masasama sa Sitemap.


6. Upang ayusin ang pahina i-klik ang "Edit Page". Ang aksyong ito ay dadalhin ka sa page editor.

7. Para maayos ang pahina, maari mo piliing gawin ito sa dalawang kolum. Maari mo rin i-pangkat ang mga nilalaman sa pamamagitan ng paggamit ng mga table.

Maari mo ibahin ang laki ng table sa pamamagitan ng pag-klik nito.


Paglagay ng Link 

Piliin ang salita na gusto mo lagyan ng link at i-klik ang "Link". Piliin kung ano klaseng link ang gusto niyong ilagay, galeng sa inyong sites o galeng sa labas. Ito ang itsura kapag gusto niyo maglagay ng link galeng sa ibang website. 

 

Paglagay ng Photo Slideshow 

Maglagay ng photo slideshow galeng sa inyong Picasa Web Album. Piliin ang "Insert" at piliin ang "Picasa Web Slideshow".

Kopyahin ang link ng album na gusto niyong ilagay sa inyong site at i-paste ito sa inyong site.

Makikita ninyo ang slideshow sa page at maari niyo palitan ang laki nito. 


Paglagay ng Video 

Upang magdadag ng video, i-klik ang "Insert" at piliin ang "Video", maari ka maglagay ng Youtube o Google Video.


Isama ang link ng Youtube video na gusto ninyo ipakita sa inyong pahina.


Maari rin niyo palitan ang laki ng video.


Madami pang ibang bagay na maari ninyo isama sa inyong site kasama ang mga dokumento, kalendaryo, mga bagong posts etc. 

Bumalik sa Tutorial Home Page.